Om Mga "Hay Naku!" ng Pasko
Ang mensaheng "pag-asa" na hatid ng unang Pasko ay tila nababalot na ng dag-im ng kabagabagan. Bagamat naroon pa rin ang kakaibang damdamin tuwing nagsisimula nang magtugtugan ang mga awiting pamasko, hindi maikukubli na mayroong mga kabalisahang nararamdaman ang marami sa atin tuwing sasapit ang Pasko.
Ang pagpasok ng ika-21 siglo ay tila nagkaroon ng pagbabago ng paradigma at naging masyadong komersiyalisado na ang pagdiriwang ng Pasko kompara sa mga naunang panahon. Kung kaya't sa halip na magsaya ang ilan nating kababayan ay nagiging kalungkutan ang dulot ng kapaskuhan. Kaya nga'y hindi maiwasang mapabuntong-hininga at sambitin ang "Hay Naku!" sa araw ng Pasko.
Visa mer