Om PAHIMAKAS
Ang librong hawak mo ngayon ay kalipunan ng mga tula at talatang tumatalakay sa mga naipong dalamhati, kalungkutan, pasakit, panaginip. pagdududa, himutok, pag-iimbot at iba pang sentimyento sa buhay. Bawat a ay matiyagang nagpapaalala akda a na sa kabila ng lahat ng pananaghoy at magdamag na pakikipag-ulayaw sa papel at tinta, ang mga naturang sentimyento parin ang sasagip sa nahihintakutang puso at isip. Ang mga pasakit, bawat suliraning tila walang katuturan sa simula ay siyang magsisilbing batis ng karunungan na siyang magbibigay-payo sa mga panahong lugmok ka sa pagdududa. Ang mga ito ang magpapaalala sa diwa mong nalalambungan ng lungkot na sa kabila ng lahat ng pinaparanas sayo ng mundo, may pag-asa. May bukas pa upang maituwid mo ang ano mang pagkakamali. Kaya humayo ka Lingapin ang iyong sarili at magpaalam sa mga hilahil na gumagapos sa iyo sa matibay na tanikala.
Dalangin ng mga may-akda ang iyong tuluyang paglaya!
Visa mer