Om Palahaw
Ang aklat na ito ay kalipunan ng mga maiikling tula sa loob ng apat na taon (2016-2019, 2023) na tungkol sa buhay, trabaho, pangarap, paglalakbay, pakikipagkapuwa-tao, pagkakaibigan, pananampalataya, panalangin, kalusugan, at kamatayan. Binubuo ng 150 tula na sa isang iglap ay naisusulat habang nasa sakayan ng dyip papuntang trabaho, kapag napapabalikwas sa mga oras na alas-dos at alas-tres ng madaling araw, bago makatulog ang hapong katawan, at sa gitna ng mga kaabalahan sa trabaho't buhay.Pinamagatan itong "Palahaw" sapagkat mga sigaw ito ng katawan at kaluluwang napapagod, nagagalit, nawawalan ng pag-asa, nalulungkot, nangungulila, natatakot, nababalisa, at naghahangad ng pag-alpas, paglaya, pagbabago, kasiyahan, kagandahan, at tagumpay sa buhay.Sa pagbabasa maaaring makaramdam tayo ng iba't ibang emosyon na puwedeng maiugnay natin ang ating mga sarili at mga karanasan na magbibigay sa atin ng pagkamulat at gabay sa ating mga sariling buhay at pang-araw-araw na gawain.
Visa mer