Om Tayo Nalang Kasi
Nagkaroon ng sariling plot-twist ang buhay ni Mickey Castro, isang unprofessional writer, nang bigla siyang alokin at kulitin ng kasal ng best friend niyang si Kiefer Lacson. Dahil kabisado na ang loko-lokong likas ng kaibigan, sinasakyan nalang ni Miki at hindi sine-seryoso ang nakaka-baliktad sikmurang taktika nito. Siya at si Kiefer bilang real life version nila Ned at Bujoy sa pelikulang 'Labs kita... Okey ka lang?'? No way! Sa mga libro at movie lang 'yong gano'n! Isip ni Miki, mamatay nalang si Kiefer kaysa magkatuluyan silang dalawa. Pero magbago kaya ang ihip ng hangin sa kanya oras na makita niya ang kaibigan na may ka-date na iba? Mananatili pa rin bang flat ang nararamdaman niya para kay Kiefer o matutuloy na ang kasalan?
Visa mer